HALOS isang linggo nang hinahanap ng morning viewers si Alex Santos, ang isa sa mga haligi ng news department at magaling na news anchor ng Umagang Kayganda (UKG). Wala kasi siyang pahayag at wala ring official statement ang ABS-CBN News and Current Affairs department kung bakit hindi na siya napapanood sa morning
May mga katanungang ibinabato sa amin tungkol min tungkol sa biglaang pagkawala ni Alex sa umagang pambalitaang programa ng ABS-CBN pero `di namin masagut sagot dahil wala kaming mapagtanungan sa production staff ng UKG.
May mga suking UKG viewers na nagtatanong ng, “May sakit ba si Alex? May nakaaway ba siya sa News and Current Affairs sa News and Current Affairs department kaya’t siya’y namamahinga?“ pero `di namin mabigyan ng kasagutan.
Mabuti na lang, sa Be Careful With My Heart World Tour presscon last Monday night sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, nakausap namin si MJ Felipe, showbiz segment writer-reporter ng UKG, na agad naming inusisa. agad naming inusisa.
Nasaan si Alex Santos? Ni wala bang paalaman na naganap sa programa? Sinuspinde ba siya kaya bigla na lang nawala sa ere? O nagmigrate ba sa ibang bansa and looking for a greener pasture?
“No’ng na-notice ko na two days na siyang `di pumapasok, I texted him,“ sagot ni MJ. “Ang sagot niya sa akin, nag-take siya ng indefinite leave.“ Hindi naman daw sinabi ni Alex ang rason ng kanyang indefinite leave.
Hanggang sa pinalitan na siya ni Jorge CariƱo as news anchor ng UKG, muling nag-text kay Alex si MJ.
“Sumagot siya sa akin, sabi niya, `MJ, nag-resign na ako sa ABS-CBN.’“ Nagulat si MJ sa message ni Alex.
Lalong dumami ang tanong namin kay MJ, unang-una, kakandidato ba si Alex kaya nag-resign?
“Alam ko, hindi,“ aniya. “Ang alam ko, si Sol (Aragones) ang tatakbo (for a congressional seat sa Laguna).“
Tiyak na magkakarooon ng mga espekulasyon sa resignation ni Alex Santos sa ABS-CBN, kung may nakabangga ba siyang executive o head ng News and Current Affairs, like Ms. Ging Reyes?
“Hindi yata?“ ani MJ sa tanong.
Posibilidad na may offer kay Alex ang ibang network, like TV5 na mas mataas o doble-tripleng suweldo ang bali-balitang ibinibigay sa nag-oober da bakod.
“Ang alam ko, may nakasaad na clause sa bawat kontrata, na hindi puwedeng lumipat `pag wala pang one year (ang resignation),“ sabi ni MJ.
Kilala namin si Alex na isang mabuti at mabait na tao, at never niyang sasagutin ng hindi maganda ang tanong kung siya nga ba’y may nakasamaang-loob na malaking tao sa ABS-CBN?
Saludo rin kami sa kanyang pananahimik.
In due time, ‘pag naging malamig na ang ulo ng kampo ni Alex at sa kampo ng kanyang iniiwasan sa Dos, kung meron man, baka maiayos pa ang lahat.
‘Ika nga, all’s well, that ends well! —Ador Saluta
(Editor’s note: Kinontak ko kahapon si Kane Choa, ang PR director ng News and Current Affairs ng ABS-CBN para hingan ng pahayag. Naririto ang kanilang statement: “Alex Santos has resigned to pursue other interests. We wish him well in his future endeavors.—Bong Osorio, head of ABS-CBN Integrated Corporate Communications)
Incoming search terms:
Related Posts:
- Alex, IC tatanggalin sa ‘Juicy’
- Paliwanag sa ‘graduation’ ni Alex kahit may…
- Alex Gonzaga, grumadweyt na kahit may isang subject pang…
- Alex, payag umalis sa ‘Juicy’
- Rayver, umaasang babalikan ni Cristine
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/27/alex-santos-nag-resign-na/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment