Tuesday, February 26, 2013

3 partido ng Team PNoy, nais magkaroon ng election returns

Hiniling ng tatlong partido na bumubuo sa administration party na Team PNoy na mabigyan sila ng mga kopya ng election returns (ER) sa eleksiyon sa Mayo 13, 2013.


Nagsumite ng kanilang mga petisyon sa Commission on Elections (Comelec) ang Liberal Party (LP), Nationalist People’s Coalition (NPC), at Nacionalista Party (NP) upang maideklara silang dominant majority party o mapasama sa 10 major national party sa halalan.



Ayon sa Comelec, ang pagtukoy ng mga designation ay ibabatay sa record ng partido o koalisyon sa mga nakalipas na halalan; sa bilang ng mga incumbent elective official na kasapi; sa mga kasaping political organization batay sa chapter; sa kakayahang makapuno ng kumpletong slate ng mga kandidato mula sa municipal level hanggang Senado; at sa iba pang aspeto na magpapakita ng lakas ng isang organisasyon.


Para naman sa mga lokal na partido, kasama sa naglalaban-laban ang Kusog Baryohanon, Kapanalig At Kambilan Ning Memalen Pampanga (Kambilan), United Negros Alliance, Hugpong Sa Tawong Lungsod (Hugpong)-Davao City, Partido Abe Kapampangan (PAK), at Arangkada San Joseno Political Party.


Alinsunod sa RA 9369 (Poll Automation Law), ang ikalima at ikaanim na kopya ng election returns at ikapito at ikawalong kopya ng Certificate of Canvass (CoC) ay ibibigay sa dominant majority party at minority party.


Ang kopya naman ng electronically transmitted precinct results ay ibibigay rin sa dominant majority at minority parties.


Ang pang-siyam hanggang ika18 kopya naman ng election returns at CoC ay ibibigay sa 10 accredited major national party habang ang ika-19 at ika-20 kopya ay ibibigay sa dalawang accredited major local party. – Mary Ann Santiago





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/27/3-partido-ng-team-pnoy-nais-magkaroon-ng-election-returns/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment