Monday, February 25, 2013

Angeline, sinabotahe sa ‘Himig Handog’?

SAYANG at hindi namin napanood ang Himig P-Pop Love Songs noong Linggo ng Channel 2 kaya hindi kami maka-relate sa ipinagsisintir ng loyalistang fans ni Angeline Quinto.


Angeline Quinto Hindi raw bagay sa boses niya ang ibinigay na kanta sa kanya.



Habang ongoing ang show, sunud-sunod ang text messages na natanggap namin nang gabing iyon at may tawag pa mula sa numerong hindi namin kilala.


“Sino po ba ang in-charge sa pagbigay ng mga kakantahin ng singers sa Himig Handog?“ sabi ng tumawag. “Kasi po `yung kantang ibinigay kay Angeline hindi bagay sa boses niya, masyadong mababa po, eh, biritera si Angeline, di ba?“


May titulong One Day ang song entry ni Angeline.


Siyempre hindi kami makapagcomment kasi hindi nga namin napanood ang songfest, pero ipinagpipilitan ng loyalistang fans ni Angeline na tila sinadyang hindi bigyan ng bagay na kanta si Angeline para matalo.


Nagulat kami sa haka-hakang ito. Sino ba naman ang mananadya, e, halos lahat naman ng kasali sa Himig Handog ay pawang alaga ng ABSCBN at Star Magic, kaya imposible ang laglagan.


“Parang may mali po ng distribution talaga, like si Juris po, hindi naman siya biritera, bakit pangbirit `yung kanta niya, dapat kay Angeline napunta `yun,“ sabi pa sa amin.


Hanggang Wakas ang titulo ng kanta ni Juris, pumangalawa kay Aiza Seguera na tinanghal bilang grand winner para sa awiting Anong Nangyari Sa Ating Dalawa.


Hindi nakapag-uwi ng kahit na anong citation si Angeline. Considering na mahusay siyang singer at hawak ang titulong Star Power grand winner (2011), dinaig pa siya ni Daniel Padilla na nakapaguwi ng apat na special awards.


Saka lang namin naintindihan kung bakit naghihimutok ang fans ni Angeline Quinto.


Naririto ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa Himig Handog P-Pop Love Songs: Song of the Year: Aiza Seguerra Anong Nangyari Sa Ating Dalawa 2nd Best Song: Juris Fernandez Hanggang Wakas 3 rd Best Song: Marion Aunor If You Ever Change Your Mind 4 th Best Song: KZ Tandingan Scared To Death 5th Best Song: Toni Gonzaga Kahit Na


Special Awards:

MOR Listeners Choice Award: Daniel Padilla Nasa Iyo Na Ang Lahat 101.9 Tambayan Choice Award: Daniel Padilla Nasa Iyo Na Ang Lahat


Star Records Buyer Choice Award: Daniel Padilla Nasa Iyo Na Ang Lahat


MYX Best Music Video Award: Daniel Padilla Nasa Iyo Na Ang Lahat


TFC Choice Award: Erik Santos This Song Is For You


MYX 2nd Best Music Video: Yeng Constantino ­ Alaala


MYX 3rd Best Music Video: Erik Santos ­ This Song Is For You





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/26/angeline-sinabotahe-sa-himig-handog/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment