Magdaraos ang Commission on Filipinos Overseas (CFO) ng 2nd Global Summit of Filipinos in the Diaspora sa Manila, Pebrero 25-27, 2013 sa temang “Two Years Thereafter: The Best of Philippine Diaspora“ upang sundan ang progreso at itampok ang pinakamainam na pamamaraan mula nang ilunsad ang flagship initiative ng CFO, ang Diaspora to Development (D2D) sa 1st Global Summit noong Setyembre 27-29, 2011. Si Pangulong Benigno S. Aquino III ang maghahatid ng inspirational message.
Ang diaspora ay ang migrasyon ng mga tao palayo sa kanilang sinilangang bansa, sa kanilang lipi o interes habang pinananatili ang pakikipag-unayan sa kanilang bayan. Tungkulin ng CFO na patibayin ang buklod ng overseas Filipinos at itaguyod ang kanilang mga interes sa loob at labas ng Pilipinas. Ang global summit ay magsisilbing isang paraan ng networking at pakikipag-agapayan ng overseas Filipinos at development partners.
Ang D2D, na ang slogan ay “Balikbayan, Kaalaman, Kakayahan, Ibalik sa Bayan“, ay kumakanti sa mala-bayaning karakter ng mga Pilipino, pinaniningas ang kanilang diwa ng pagkikiramay, at inaanyayahan sila na magbalik-bayan. Hinihimok nito ang pakikiisa ng oveseas Filipinos sa socio-cultural at pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng sampung pangunahing area of interventions: Alay-Dunong o skills and technology transfer, palitan ng sining at kultura, Balik-Turo o educational exchange, paglikha ng ugnayan sa negosyo, diaspora investments, global legal assistance, Likod sa Kapwa Pilipino o diaspora philanthropy, medical mission coordination, mga inisyatiba sa turismo, at pagbabalik-bayan at reintegrasyon.
Ipinakikita sa datos ng CFO na mayroong mahigit 9.4 milyong overseas Filipino sa 227 bansa, na naka-classify sa tatlong type: Permanenteng migrante 47% (4,423,680); pansamantalang migrante o overseas Filipino Worker 45% (4,324,388); at ilegal na migrante 8% (704,916). Ang top 10 destinasyong bansa ng overseas Filipinos ay ang Amerika, Saudi Arabia, Canada, United Arab Emirates, Malaysia, Australia, Qatar, Japan, United Kingdom, at Kuwait.
Binabati natin ang Commission on Filipinos Overseas sa pangunguna nina Chairperson Imelda M. Nicolas, Executive Director Mary Grace A. Tirona, at iba pang opisyal at hangad natin ang tagumpay ng kanilang pagsisikap na himukin ang ating mga kababayan sa ibang bansa na makiisa sa pagpapaunlad ng Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!
Related Posts:
- Nasaan ang booming economy? – Migrante
- INVESTMENTS FOR OVERSEAS FILIPINO WORKERS
- OFWS, pinakamarami sa Middle East
- Tulong sa nasunog na OFW sa Saudi, tiniyak ng MalacaƱang
- Lea Salonga, mangunguna sa protesta
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/26/global-summit-of-overseas-filipinos/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment