Thursday, February 21, 2013

Chiz, Loren, Poe, itsapuwera – UNA

Tuluyan nang isinara ang pinto ng United Nationalist Alliance (UNA) kina Senators Francis Escudero, Loren Legarda at Grace Poe-Llamanzares bilang mga guest senatorial candidate ng partido sa May 2013 elections.


Sinabi ni UNA secretary general at campaign manager Toby Tiangco hindi na oobligahin ng koalisyon na isama ang mga pangalan nina Escudero, Legarda at Poe sa listahan ng kanilang mga kandidato.



Aniya, ginawa na lahat ng kortesiya at posibleng solusyon para sa tatlo upang makadalo sa mga pangangampanya ng UNA.


Tanging ang siyam na senatorial candidate na sina Jack Enrile, Joseph Victor Ejercito, Tingting Cojuangco, Mitos Magsaysay, Nancy Binay, Ernesto Maceda, Juan Miguel Zubiri, Richard Gordon at Gregorio Honasan ang ipakikilala ng UNA sa mga botante sa kanilang pangangampanya.


Nilinaw ni Tiangco na dumaan sa matagal na proseso at mga konsultasyon sa mga miyembro at lider ng koalisyon bago pa man ang pasyang paglaglag sa tatlong guest candidate.


Magugunita na hindi dumalo sina Escudero, Legarda at Poe sa unang proclamation rally ng UNA sa Plaza Independencia sa Cebu City na dinaluhan pa ng tinatayang 90,000 Cebuano sa halip ay nagpadala na lamang ng kanilang kinatawan.


Batid rin ng UNA ang mahigpit na banta ng Liberal Party (LP) sa pamamagitan ni Sen. Franklin Drilon sa kanilang mga miyembro kung sasama an mga ito sa campaign sorties ng UNA.


“We would have wanted and were looking forward to having them join our nine UNA candidates in our rallies and sorties.We tried our best to accommodate them. We know that the LP, through Sen. Franklin Drilon, has warned them repeatedly about joining our election activities,“ diin ni Tiangco.


“We have held on to their assurances that they will join us sooner or later. Unfortunately, none of them have taken any concrete move or extended any meaningful gesture to assure us that they will live up to their commitments.On the contrary, public statements have been made by at least one of them ruling out participation in UNA events,“ dagdag pa nito.


Binigyang diin nito na malinaw na nagdesisyon na rin ang tatlo kung saan talaga sila sasama kaya kailangan ng magpatuloy ang UNA. – Bella Gamotea







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment