Thursday, February 21, 2013

Barbie, magtatapos na ng elementary

Ni Nora Calderon


Barbie Forteza GRADUATING na si Barbie Forteza sa March ng Grade 7 sa School of Tomorrow sa Ortigas Center in Pasig City. Pero wala silang formal graduation, tatanggap lang sila ng certificate. Sa school opening sa same school, Grade 8 na siya, equivalent ng first year high school.



“Doon na po kasi ako nagsimula,“ masayang kuwento ni Barbie. “Home study po ito at maganda na sa simula ng semester, ibinibigay na nila sa amin ang modules, kaya kapag free po ako sa tapings at iba ko pang commitments, nasasagutan ko na ito at nasa amin na kung gusto na naming i-submit.

Nagri-report din kami sa school kapag magsa-submit na kami ng modules.“


Kaya hindi masyadong hirap si Barbie kahit halos araw-araw ang taping niya ng Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa, na nasa last two weeks na lamang at matatapos na.


Katambal ni Barbie si Derrick Monasterio at ang Protégé finalist na si Ruru Madrid, kaya pabiro siyang tinanong kung totoong nanliligaw ang dalawang teens sa kanya na nagpaligsahan daw ng pagbibigay ng Valentine gift.


“Naku, hindi po, fifteen pa lang ako, wala pa akong balak makipag-boyfriend at naka-focus lang ako sa work ko at sa studies ko. Hindi naman sila nagpapaligsahan, nagkataon lang noong Valentine’s Day, magkasama kami ni Derrick sa event ng Unisilver at binigyan niya ako ng bouquet of flowers na iniabot ng driver niya sa daddy ko. Chocolate naman ang bigay ni Ruru, pero sabi ko nga po sa kanila, hindi naman kailangang may gift. Tulad po ni Ruru, bago pa lang siyang nagsisimula. Pero nakakatuwa kasi parehong makulit ang dalawang `yan kaya masaya kami lagi sa set.“


Nagbigay naman si Barbie ng ilang mangyayari sa nalalapit na pagtatapos ng Paroa na napapanood sa Afternoon Prime ng GMA-7 pagkatapos ng Forever.


“Babalik na po si Iñigo (Derrick) sa daigdig ng mga tao pero hihintayin ko siya. May mangyayari sa aming daigdig at masasaktan ako, pero si Iñigo lang ang makatutulong at makapagliligtas sa akin at sa aming daigdig. Hindi ko lang p’wedeng sabihin kung kanino ba ako mapupunta, kung kay Iñigo o kay Rasul dahil bilang reyna ng Paroa, dapat ay si Rasul ang pakakasalan ko.“


May susunod na siyang project at abala rin sa recording ng debut album niya sa Universal Records.

Dinig namin, ang isa sa songs na laman ng album ay magiging theme song ng isang koreanovela na ipalalabas soon sa GMA-7.







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment