Friday, February 22, 2013

COA: Trabaho lang, walang personalan

Ni Rolly Carandang/Manila Bulletin


Iginiit ni Commissioner Heide Mendoza ng Commission on Audit (COA) na ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho nang usisain ng ahensiya ang kontrobersiyal na P1-bilyon ginastos umano ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa advertising campaign.



Bagamat nagbigay na ng pahayag si PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II sa isyu, sinabi ni Mendoza na ipagpapatuloy pa rin nila ang pagsusuri sa audit report sa PCSO, partikular ang P1-bilyon advertising expense at hindi umanong awtorisadong sustento at insentibo na nagkakahalaga ng halos P10-milyon.


Nilinaw ni Rojas na mali ang mga ulat na nag-aakusa sa PCSO na gumastos ng P1.07-bilyon para sa mga advertisement noong 2011.


Diin ni Mendoza, nirerespeto nila ang pamunuan ng PCSO sa desisyon nito kung saan ilalaan ang pondong ibinibigay sa kanila.


Ngunit sa pagtatapos ng taon, kailangang busisiin ng ahensiya ang legalidad ng bawat transaksiyon. Sinabi ni Mendoza na ang kapangyarihan sa paggamit ng pondo ay nasa PCSO, ngunit bilang mga tagapaglingkod sa publiko, kailangang nasa ilalim sila ng nasasaklawang mandato ng ahensiya.


Kinuwestiyon ng 2011 COA report ang malaking halaga ng ginastos ng PCSO para sa advertising na umabot sa P1.07-bilyon at sa halip, nagamit sana ito sa mas makabuluhang proyekto para sa kawanggawa katulad ng pagpapaospital sa mga maralita.


Ani Mendoza, ang nakasaad sa kanilang 2011 report ay kung ito ay makatwiran at kinakailangan ng PCSO na gumasta ng malaking halaga para sa pag-aanunisyo.


“One billion pesos is one billion pesos and it is a big amount,” sabi ni Mendoza.


Isa pang mainit na isyu na tumutugis sa PCSO ay ang umano’y hindi awtorisadong P10-milyon na sustento at pasuweldo para Board of Directors nito na iniutos ng COA na ibalik ang halaga pabor sa gobyerno.







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment