Friday, February 22, 2013

Continuity plan ng Comelec, inaprubahan

Upang maiwasan ang posibleng pagkakaroon ng failure of election, inaprubahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang continuity plan na inihanda ng kanilang Project Management Office (PMO) na ipatutupad sakaling magkaroon ng aberya sa mismong araw ng eleksiyon sa Mayo 13.



Nakasaad sa Comelec Resolution 9635, layunin ng continuity plan na matiyak ang patuloy na operasyon ng Automated Elections System (EAS) at maiwasan ang failsure of election.


Sa ilalim ng continuity plan, magkakaroon ng National Support Center (NSC) na pangangasiwaan ng PMO Technology Group ng Comelec at siyang tatanggap, mag-uulat at tutugon sa posibleng mga aberya na mangyayari sa eleksiyon.


Ilan sa mga problema o senaryo na inilatag sa continuity plan at kung paano ito tutugunan ay ang posibilidad na magkaroon ng blackout o power supply interruption, network access failure at central service interruption at sakaling magkaroon ng insidente ng sunog, baha at lindol.


Nabatid na isa ring inilahad sa continuity plan ang mga nararapat gawin sakaling magkaroon ng pananabotahe sa mga polling precinct o canvassing center.


Kabilang rin sa mga pinaghahandaan ay ang mga problema na mararanasan sa paggamit ng precinct count optical scan (PCOS) machines na tulad ng ballot jam, printer jam, power supply interruption sa makina at problema sa printing ng election returns. – Mary Ann Santiago







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment