Friday, February 22, 2013

Fil-Am Jessica Cox, napiling motivational speaker ng Handicap International

Ngayong Abril, ang world’s first armless pilot ay magsisilbing inspirasyon ng mga batang may kapansanan at hihikayatin ang mga Ethiopian na ipasok ang lahat ng bata sa eskuwela.


Si Jessica Cox, ay magiging katuwang ng Handicap International sa paglalakbay sa Ethiopia upang bigyan ng pag-asa ang mga batang may kapansanan na maabot ang kanilang mga pangarap sa kabila ng kanilang physical challenges.



Sinabi ni Jessica Cox na, “I am extremely excited for the opportunity to work with Handicap International in furthering their goals in Ethiopia. My accomplishments are just as much a story of opportunity as they are about possibility. I hope that sharing my story will help Ethiopians realize that children with disabilities should be given the same opportunities that children without disabilities are given.”


Target ng Handicap International ang Ethiopia dahil ang maralitang bansa ay tila pinagkakaitan ang mga may kapansanan ng pagkakatoang iniaalok sa publiko.


“In Ethiopia, only one percent of children with disabilities are educated,” sabi ni Matteo Capriotti, Handicap International’s country director for Ethiopia. “Most parents of children with disabilities do not think they can benefit from going to school.”


At tiyak na magiging inspirasyon si Jessica. Hindi lamang siya ang unang taong walang kamay na naging piloto, nakuha rin niya ang dalawang black belt sa Taekwondo sa edad na 14 at isang avid rock climber at snowboarder. Naabot din niya ang kanyang pangarap na maging motivational speaker, mentor at advocate for people with disabilities at iniikot ang mundo para maging inspirasyon ng mga “alternately abled”.


Si Jessica Cox ay isinilang na walang mga kamay bunga ng isang pambihirang congenital condition. Siya ay ikalawa sa tatlong anak nina William Cox, isang Amerikano, retiradong guro ng musika habang ang kanyang ina ay isang Pilipinang nurse, si Inez Macabre ng Bobon, Samar. Noong 2012 ikinasal siya kay Patrick Chamberlain, ang kanyang dating Taekwondo instructor. Sila ay naninirahan sa Tucson, Arizona.


Bibisitahin ni Cox, 30, inclusive education project ng Handicap International sa Ethiopia para hikayatin ang mga batang may “[to] think outside the shoe.” Ang kanyang pagbisita ay kukunan bilang bahagi ng documentary na RIGHTFOOTED, na nagsasalaysay sa kuwento ng buhay ni Cox at ng kanyang adhikain na baguhin ang pananaw sa mga taong may kapansanan. Sa nakalipas na apat na taon bumiyahe siya mula Europe hanggang Australia at Africa, ibinabahagi ang kanyang nakakamanghang istorya. Nagsalita na siya sa World Economic Forum at sa Pentagon, nakaharap si Pope Benedict XVI at President Obama, at lumabas sa The Ellen Show and CNN.


Sa tuwina’y binibigyang diin ni Cox sa mga taong may kapansanan at kanilang mga pamilya, ang kahalagahan ng persistence at matayog na pangarap.


“There are two words I’ve eliminated from my vocabulary,” ani Cox. “’I can’t.’ Because once you say those words, you’ve already failed.”


May ulat mula sa flyingmag.com/BBC.com/prweb.com







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment