Thursday, February 21, 2013

Fil-Ams, sasabak sa tryout

Ni Angie Oredo


Anim na matatangkad na Filipina-American ang nakatakdang sumabak sa gaganaping national women’s team volleyball try-out para sa bubuuing pambansang koponan na inaasahang makikita sa aksiyon sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar at Asian Seniors Women’s Volley Championships.



Ayon kay Philippine National Team committee chairman Ramon “Tatz” Suzara na agad nagpadala ng kanilang intensiyong maglaro para sa Pilipinas ang apat habang kasalukuyan nang hinihintay ng dalawa ang permiso na hiningi mula sa kanilang mga eskuwelahan para makalahok sa seleksiyon.


“Actually, hindi lang anim dahil noong malaman nila na may try-out dito for the national team ay humingi

sila ng time para makapagpaalam sa kanilang mga schools,” sinabi ni Suzara.


Ang apat na volley player ay sina Jessica Colberg na mula sa Sacred Heart University sa Connecticut, Gabby Pulig ng Long Beach State University sa California, Taylor Hollins ng Florida State University sa California at Jesselyn LaValley na nagtapos sa United States Merchant Marine Academy– Kings Point.


Una nang ipinatigil ng Philippine Volleyball Federation, sa pamumuno ni Gener Dungo, ang pagsasagawa ng try-out kung saan ay inalis nito ang secretary general at dating national team player na si Vangie De Jesus at

ang PRO at Board member na si Dr. Adrian Laurel.


Agad namang iniutos ng Philippine Sports Commission (PSC) na ipagpatuloy ang isinasagawang serye ng try-out para sa pagbuo ng national women’s team. Mayroon nang kabuuang 49 players ang dumalo sa try-out kung saan ay pipiliin ang kabuuang 28 na bubuo sa Pool A at Pool B.


Sasanayin ang koponan sa labas ng bansa upang unti-unting maingat ang antas at kalidad ng laro sa hangad na rin na malampasan ngayong taon ang SEA Games bronze medalist Indonesia bago isunod ang laging silver medalist na Vietnam at ang kasalukuyang No. 12 sa world ranking na Thailand.







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment