Thursday, February 21, 2013

TUNGGALIAN

Ang Tambunting ay hindi maiiwasan ng kahit sinong kandidato na mangampanya dito. Kasi ang mga botante dito, bukod sa napakarami ay napakasipag pang bumoto. Alam ko ito dahil dito ako lumaki at nagka-pamilya. Ang bahay namin kung saan ako dinakip ng militar pagkadeklara ng martial law ay malapit sa lugar kung saan hinuli naman ng pulis si Vice Mayor Isko Moreno dahil umano sa pagsusugal.



Kung totoo o hindi ang bintang sa bise-alkalde ay hindi mahalaga sa taumbayan. Ang mahalaga sa lahat, sa loob at labas ng Maynila, ay ang isyung nasa likod ng pagkakahuli sa kanya. Naipit siya sa tunggalian nina Mayor Alfredo Lim at dating Pangulong Erap sa pagka-alkalde ng siyudad. Ang labanan ng dalawa ay pinainit ng isyung napakahalaga sa buhay ng bawat Pilipino, ang political dynasty.


Mula’tsapul,saMaynilanamulitika si Lim. Siya lang at walang iba na kanyang kapamilya o kamaganak ang tumakbo at nagwaging alkalde rito. Ang halos buhay niya ay nabuhos sa paglilingkod sa Maynila sa iba’t ibang kapasidad. Sa isang iglap, nagulat na lang siya at kaharap na niya bilang kalaban si Pangulong Erap. Hindi tulad ni Lim, si Erap ay nagsimulang mamulitika sa San Juan. Wala pang martial law, alkalde na siya sa San Juan na nagpatuloy hanggang ma-People Power si Pangulong Marcos. Kaya, sa San Juan naubos ang napakahabang panahon ni Erap sa paglilingkod. Narito sa Maynila ngayon si Pangulong Erap dahil pinasikip ang San Juan at ang kanyang pulitika ng mismo niyang kamag-anak. Tumatakbong alkalde ang kanyang maybahay na si Guia, congressman naman ang kanyang anak na si Jude at senador naman ang isa pa niyang anak na si JV na kapag nagwagi ay kasama na nito ang anak pa niyang si Jinggoy. Inaasahan sana ng sambayanan kay Pangulong Erap ang modelo ng isang pulitiko dahil naging senador na nga siya, pangalawang pangulo at pangulo pa ng bansa. Sapat na ang mga ito para makita ng mamamayan ang kanyang kakayahang manungkulan. Hindi na kailangang maging alkalde pa siya ng ibang lugar para ipakita pa ang kanyang makakaya. Masusubok naman ngayon kung tunay na bulwarte ng oposisyon ang Maynila sa tunay na kahulugan nito kung ibabasura nito ang political dynasty.







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment