Sa taon na maraming naging mintis sa local sports, isinalba ng Gilas Pilipinas basketball squad ang napakahalagang tuntunin nang hablutin ang Williams Jones Cup sa Taiwan sa unang pagkakataon matapos ang 14 na taon.
Nang mapasakamay ang kagulatgulat na kampanya, nagkakaisang napili ang koponan upang tumanggap ng President’s award sa gaganaping PSA-Milo Annual Awards Night sa Marso 16 sa makasaysayang Manila Hotel ballroom.
Makakasama ng victorious squad sa center stage ang iba pang mga atleta na nagbigay ng maniningning na marka noong 2012, sa pangunguna ni boxer Nonito Donaire, female fighter Josie Gabuco, ang Manila women’s softball team, at ang Ateneo Blue Eagles, ang co-winners ng highly-coveted Athlete of the Year Award.
Ang mga miyembro ng Gilas team ay sina L.A Tenorio, pinangalanan bilang tournament’s Most Valuable Player, Jeff Chan, Larry Fonacier, Gabe Norwood, Gary David, Ranidel De Ocampo, Sonny Thoss, Rico Villanueva, Jay-R Reyes, Mac Baracael, Garvo Lanete, Matt Ganuela, Sol Mercado, at Marcus Douthit, na binigyan naman ng parangal sa kanilang pagbabalik ni sports patron at chief backer Manny V. Pangilinan.
Hinawakan ni multi-titled Chot Reyes, nagposte ang Gilas ng pitong panalo sa walong mga laban sa oneround tournament, kasama na ang title-clinching 76-75 thriller kontra sa matatangkad na koponan na United States.
Sa kurso ng kanilang title victory, tinalo ng Gilas ang Jordan (88-78), Guangha (99-68), Korea (82-79), Japan (88-84), Iran (77-75), ngunit natalo sa Lebanon (72-91).
Huling napagwagian ng Pilipinas ang Jones Cup noong 1998, nang ang Centennial Team ay hawak pa noon ni Tim Cone.
Ito ang ikatlong Jones Cup crown ng bansa kung saan ang koponan ay dinala ng isang kumpanya na pag-aari ni Ambassador Danding Cojuangco.
“Ít’s an honor they richly deserve. ni Ambassador Danding Cojuangco. “Ít’s an honor they richly deserve. ni Ambassador Danding Cojuangco. The team surprised almost everyone given the depth of the field,” saad ni PSA president Rey Bancod ng Tempo matapos ang PSA board meeting kamakailan.
Ang mahabang linya ng awardees ay pararangalan sa loob ng 2-hour rites na sinuportahan rin ng Philippine Sports Commission, Harbour Centre, Rain or Shine, Philippine Basketball Association, Smart, LBC, Senator Chiz Escudero, at ICTSI at Philippine Golf Tour.
Ang ilan sa notable major awardees na mapapasama sa limelight kasama ang apat na winners ng Athlete of the Year honor ay sina Mark Caguioa (pro basketball), Bobby Ray Parks (amateur basketball), Tony Lascuna (men’s golf), Dottie Ardina (women’s golf), Hagdang Bato (horse racing), at Jonathan Hernandez (horse racing).
Ang iba pang major awardees at recipients ng citations ay ihahayag sa mga susunod na araw, ayon kay Bancod.
Related Posts:
- Caguioa, Parks, pararangalan ng PSA
- Lascuna, Ardina, nangningning sa golf
- WALANG ILUSYON
- PSA: Hagdang Bato, Hernandez, pararangalan
- Rosser, ihahanay ng Gilas 2
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/26/gilas-pilipinas-pararangalan-ng-psa/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment