Monday, February 25, 2013

Legal adoption, dapat suportahan – Nancy

Hindi maikakailang patuloy ang pagdami ng bilang ng mga sanggol at batang inaabandona araw-araw na inilalagay sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaya todo-suporta si United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidate Nancy Binay sa adbokasiya ng kagawaran kaugnay sa legal na pag-aampon.



Kasabay ng paggunita ng ika-15 Adoption Consciousness Week nitong Pebrero 18-24, sinabi ni Nancy Binay, mas mapangangalagaan aniya ang mga karapatan ng mga ulila kung legal ang pag-aampon dito at pakikinabangan nila ang kanilang karapatan bilang biological child kasama na rito ang paggamit ng apelyido ng umampon na magulang.


“I appeal to individuals or couples who wish to adopt a child to go through the legal process, and to not cut corners for the sake of convenience. Your willingness to spend time and effort on this matter indicates your genuine desire to give the child a good life, and is proof positive of your readiness for responsible parenthood,” panawagan ni Binay.


Sakaling mahalal siya bilang senador, nangako si Nancy na pag-aaralan nito ang kasalukuyang batas sa pagaampon o adoption laws upang madetermina ang mga problema sa gobyerno at mapabilis ang proseso sa legal na pag-aampon ng hindi nakukumpromiso ang mga karapatan at interes ng bata.


Nais ni Nancy, founding member ng Board of Trustees ng Brighthalls Children’s Foundation na itinayo noong 2012, na mapaangat ang mga karapatan at katayuan ng mga batang Pilipino.


Ang Brighthalls Children’s Foundation Inc. ay nagbibigay ng pansamantalang pangangalaga para sa mga sanggol at batang mas mababa sa dalawang taong gulang na inabandona o pinabayaan. Misyon nitong magbigay ng pinakamagandang pisikal at emosyonal na pangangalaga sa mga bata sa ligtas at kumportableng lugar habang naghahanap naman ng tahanang magmamahal at kakalinga sa kanila.


Naghahanap ang Brighthalls ng pangmatagalang solusyon sa mga kaso kung saan ang pagaampon ay hindi posible. – Bella Gamotea





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/26/legal-adoption-dapat-suportahan-%e2%80%93-nancy/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment