Isinailalim na ng Philippine National Police (PNP) ang bayan ng Marcos sa Ilocos Norte sa control ng Commission on Elections (Comelec) matapos ang pamamaslang sa isang barangay chairman na kandidatong mayor sa halalan sa Mayo 13, 2013.
Mismong ang Ilocos Norte Police Provincial Office ang humiling sa Comelec na agad isailalim sa watch list ang Marcos upang hindi na maulit ang pamamaslang kay mayoralty candidate Alfredo Arce, chairman ng
Barangay Fortuna, na binaril ng ridingin-tandem noong Sabado.
Sinabi ni Senior Supt. Gerardo Retuita, Ilocos Norte Police Provincial Office director, na batay sa mga ebidensiyang nakalap sa pagsisiyasat sa pamamaslang kay Arce, lumilitaw na may bahid pulitika ang krimen.
Sa nasabing pananambang, dalawang bata ang nasugatan, na kinilalang sina Cajinian Agustin, 5, ng Bgy. Daquioag, Marcos; at Joy Joaquin, 21, ng Bgy. Sinamar, Banna, Ilocos Norte.
Sakay ng motorsiklo si Arce nang harangin ng dalawang suspek na noon ay nag-aabang sa kanya.
Matapos barilin ang biktima ng isa sa mga suspek, isa pang kasamahan nito ang lumapit sa biktima at muling binaril nang malapitan sa ulo ang kapitan.
Si Arce ay isa sa makakalaban nina Arsenio Agustin, negosyante; at incumbent Mayor Salvador Pillos, sa halalan sa Mayo. – Fer Taboy
Related Posts:
- 45 bayan nasa watch list
- Sen. Bongbong Marcos sa human rights compensation: Labas…
- Ilocos mayor, inireklamo ng pananakit
- Grade 2, sinampal ng tsinelas
- Solar power plant sa Ilocos
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/27/marcos-isinailalim-sa-watch-list/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment