Ni Angie Oredo
Inireklamo na sa Philippine Olympic Committee (POC) noong Lunes ng umaga para imbestigahan ang umano’y malalim na isyu sa asosasyon at maging ang hindi makatarungang pagpapatalsik sa dalawang board member ng Philippine Volleyball Federation (PVF) na sina Evangeline De Jesus at Dr. Adrian Laurel.
Isinawalat nina De Jesus at Laurel, sinuspinde bilang secretary general at pinatalsik bilang public relations officer, ayon sa pagkakasunod, sa lingguhang PSA Fourm sa Shakey’s Malate ang kanilang reklamo sa POC grievance committee sa umano’y illegal na aksiyon na ipinataw sa kanila dahil lamang sa pagbuo ng
pambansang koponan.
“This is what we get for helping form a very competitive national women’s team. We were unceremoniously ousted,” sinabi ni Laurel na isa ding komentarista sa telebisyon sa UAAP.
“We don’t consider ourselves out of PVF as we consider our ouster illegal,” pahayag pa ni Laurel.
Una nang sinuspinde si De Jesus, naging national team member mula 1977 hanggang 1985, dahil lamang sa pakikipagtulungan sa isang grupo na magsagawa ng isang try-out para sa pagpili sa bubuuing women’s national volley team.
“We follow the normal procedure,” ayon kay De Jesus. “It so happen na nagkausap kami ni Ramon “Tatz” Suzara when I attended a volleyball management seminar in Thailand. But before that, I did inform the PVF Board about the possibility of the volleyball being reconsidered sa SEA Games sa POC general assembly.”
Gayunman, ipinatigil ni PVF president Gener Dungo ang isinasagawang PVF try-out kasunod sa pagsuspinde kina De Jesus at Laurel matapos na magsagawa ng miting na ginanap sa Lingayen, Pangasinan.
Sinabi nina De Jesus at Laurel sa isinampa nilang reklamo sa POC na kaduda-duda ang nasabing pulong kung kaya hinihingi nila bilang ebidensiya ang opisyal na dokumento sa naging PVF Board resolution, attendance at ang opisyal na minutes of the meeting.
“PVF does not meet regularly. Wala nga kaming telephone line, may computer pero walang internet, wala kaming sekretarya na mag-aasikaso sa activity ng asosasyon at laging sarado ang opisina. So what would you expect that you could convene the PVF Board,” giit pa ni Laurel.
Hindi rin naiwasan nina De Jesus at Laurel na ihayag ang ilang nakadududang pangyayari sa loob ng asosasyon na tulad ng hindi pagsasagawa ng eleksiyon, pagkakaroon ng dalawang bank account at pagdadala ng kagamitan na Taraflex flooring sa Cebu.
Related Posts:
- Volleyball try-out, ipagpatuloy- PSC
- 2 opisyal ng PVF, sinibak
- Fil-Ams, sasabak sa tryout
- Volleyball team, target ang SEAG
- Laurel stamps
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/27/sinuspindeng-2-opisyal-ng-pvf-nagreklamo-sa-poc-grievance-committee/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment