Friday, February 22, 2013

MAS MATAPAT PA KAYSA TAO

Ang kasabihang “para kang ahas” dahil pagkatapos kang pakainin sa palad ng nag-alaga ay tutuklawin mo pa ito, ay mali pala. Ang totoo ayon kay Manny Tangco, may-ari ng Malabon Zoo, ang ahas diumano ay mas matapat pa kaysa tao. Meaning, mas mapagkakatiwalaan pa diumano ang AHAS kaysa TAO. Talaga?



Ang AHAS daw ay may tinatawag na “sense of gratitude” 99.9 percent o “damdamin ng pasasalamat” sa lahat ng oras, sabi ni Tangco habang lumalangoy sa kanyang swimming pool na nakapulupot sa kanyang katawan ang isang Burmese python. “Kailanman ay hindi niya ako tinuklaw o kinagat man lamang. Ang kailangan lamang ay alagaan mo silang mabuti, pakainin at mahalin.” Tatlumpung taon na niyang inaalagaan ang nasabing sawa.


Inihalintulad pa rin ni Tangco ang AHAS sa tao, na may 50 porsiyento ang tsansa na ipagkanulo ka o gantihan ng masama. Ang TAO, sabi pa niya, pakainin mo man sa palad mo, damitan, mahalin at pagpalain ay tutuklawin ka pa rin o tatraydurin. Karamihan sa mga TAO ay “walang utang-na-koob”. Ang AHAS ay marunong magmahal sa nagmamahal sa kanila, dugtong pa. Agree ka roon, Atty. Dong?


Sa ating lipunan ay napakaraming AHAS, buwaya, at pating. Sa Kongreso at Senado ay naglipana, na lumalaspag sa salapi ng bayan tulad ng napatunayan kamakailan nang “mamudmod” si Senate President Juan Ponce Enrile ng dagdag na Pamasko sa mga Senador. Hindi ba at muntik nang tuklawin si Enrile ng ilan nang hindi makatanggap ng katulad na halaga ng iba? At bakit nila “lilingkisin” ang salapi ng bayan? Hindi ba higit pa sila sa AHAS na inaalagaan ni Tangco?


Sa Atimonan, Quezon kamakailan, hindi ba higit pa sa mga AHAS ang ginawa roon ng ilang grupo ng mga pulis at military na niratrat at walang awang pinatay ang may 13 katao dahil diumano sa pag-aa-gawan sa JUETENG na balon ng salapi?


Tila nga mas masarap pang kasama ang mga AHAS kaysa ilang mga tao, kuya Lance Aldwin.







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment