Friday, February 22, 2013

Sec. Del Rosario, muling umapela

Muling inapela ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert del Rosario kay United States (US) Representative at US House Committee on Veterans’ Affairs chairman Jeff Miller na pag-aralan ang kaso ng 24,385 beteranong Pilipino na hindi naaprubahan ang kanilang Filipino Veterans Equity Compensation (FVEC) claims, gayundin ang suporta ng Amerika sa adbokasiya ng Pilipinas sa US Congress partikular ang SAVE Our Industries Act Bill at posisyon ng bansa sa West Philippine Sea sa naganap nilang pulong sa DFA Pasay City kamakalawa.



Kasama ni Miller sina US Representatives Gus Bilirakis, Timothy Walz, at Michael Michaud sa naturang pulong kung saan nagkaroon ng oportunidad ang dalawang panig na talakayin ang FVEC Act at iba pang isyu hinggil sa katayuan ng mga beteranong Pinoy noong panahon ng World War II.


Hiniling ni Secretary Del Rosario sa US delegation na pagaanin ang requirements para sa Pinoy veterans upang makuwalipika sa FVEC, partikular sa kinakailangan ng National Personnel Records Center kung saan ang mga pangalan ng FVEC applicants ay makikita sa parehong Roster of Troops at Discharge List ng United States Army sa pagtatapos ng nasabing digmaang pandaigdig.


Pinagtibay ang FVEC Act noong 2009 bilang bahagi ng American Recovery and Reinvestment Act at magbigay ng lump sum compensation ng mga beterano Pilipino ng World War II sa halagang US$ 9,000 para sa non-US citizens at US$ 15,000 naman sa US citizens.


Samantala, ikinatuwa naman ng kalihim ang tamang posisyon ng US Government hinggil sa West Philippine Sea, partikular ang susporta ng Amerika para sa resolusyon na alinsunod sa international law, pagsasapinal ng Code of Conduct at pagkamit ng mapayapa at multilateral approach sa argumento.


Pinuri ni Miller ang Pilipinas sa pagtitiyaga sa pagkamit ng mapaya at matibay na solusyon sa sigalot at ang hakbang na maidulog ang usapin sa arbitration.


Nagpasalamat ang Pilipinas sa solidong pangako ng Amerika sa Mutual Defense Treaty at ang patuloy na pag-ayuda sa bansa sa pagtatag ng minimum credible defense posture.


“We appreciate your advocacy for Philippine interests in the US Congress and we look forward to working together with you in enlisting new members of the House to join the caucus,” pahayag ni Secretary Del Rosario.


Si Miller at kanyang delegasyon ay mananatili sa Manila para sa kanilang apat na araw na pagbisita at layuning ma-assess ang mga aktibidad ng mga medical facilities na pinapatakbo ng US Department of Veterans Affairs at Department of Defense at gayundin na mapasyalan ang makasaysayang lugar na gumugunita sa sakripisyo ng dalawang bansa noong kasagsagan ng digmaan. – Bella Gamotea







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment