Tuesday, February 26, 2013

Negosyo, prayoridad din ni Murray

LONDON (Reuters)­ – Patutunayan ni Andy Murray na bukod sa kanyang talento sa tennis, mayroon din siyang galing pagdating sa negosyo nang bilhin nito kamakailan ang isang luxury hotel sa kanyang bayan sa Dunblane.


Piniling bilhin ng British number one ang hotel kung saan ikinasal ang kanyang kapatid na si Jamie, isang kampeon sa Wimbledon mixed doubles event, noong 2010.



“I am pleased to have acquired Cromlix House and look forward to securing its future as a successful business,” pahayag ni Murray sa kanyang website (http://www.andymurray.com) na ipinoste kahapon. “By reestablishing Cromlix as a leading luxury hotel at the heart of the Dunblane community we will be able to attract new visitors to the area, create a number of new jobs and focus on supporting other local businesses.


“I’m pleased to be able to give something back to the community I grew up in.”


Bukod sa pagiging bayan ng kasalukuyang US Open champion, kilala rin ang Dunblane bilang lugar kung saan naganap ang pinakamadugong massacre sa Britain na kumitil sa buhay ng 16 bata at isang guro sa pamamagitan ng pamamaril noong 1996.


Plano ni Murray na gawan ng mga pagbabago ang hotel bago it muling buksan at itaon sa pagdaraos ng 2014 Ryder Cup na gaganapin sa kalapit na bayan ng Gleneagles.


Ayon sa isang lokal na ulat, nabili ni Murray ang hotel sa halagang 1.8milyong pounds o $2.75 milyong dolyar.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/27/negosyo-prayoridad-din-ni-murray/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment