Lumikha ng malaking takot ang malawakang blackout sa buong Basilan sa ginawang pamamaril ng isang armadong grupo na pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang power barge ng National Power Corporation (Napocor) at sa katabing kampo ng militar sa Isabela City kamakalawa ng gabi.
Natuklasan din kahapon ng Basilan Provincial Police Office, na planong dukutin ng mga salarin ang ilang nakadetine na kinabibilangan ng ilang miyembro ng Abu Sayyaf group.
Ayon sa report ng Basilan provincial Police Office, pasado 10:00 ng gabi ng dumaan sa lugar ang dalawang pump boat sakay ng mahigit sa 10 armadong lalaki at bigla na lamang pinagbabaril ang power barge at ang kampo ng Army Special Forces sa Sitio Palar, Barangay Tabuk, Isabela City.
Agad namang umatras ang armadong grupo matapos gumanti ng putok ang mga miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na naka-duty sa power barge kasama ang tropa ng militar.
Walang napaulat na nasugatan sa panig ng pamahalaan.
Sa ginawang pag-atake, nagkaroon ng mga butas ang power barge dahil sa mga tama ng bala.
Lumikha ng blackout sa buong Basilan pagkakasira ng fuse ng power barge, na naibalik naman ang serbisyo ng kuryente makalipas ang isang oras.
Ayon sa impormasyon, plano ng grupo na itakas sana ang ilang kilabot na kriminal na naka-detine ngayon sa Basilan Provincial Jail kaya sinalakay ang power barge ng NAPOCOR para mawala ang supply ng kuryente sa lalawigan at madaling maisagawa ang jail break. – Fer Taboy
Related Posts:
- Miyembro ng Abu Sayyaf, arestado
- Power crisis sa Mindanao, reresolbahin
- Paaralan sa Zamboanga Sibugay, sinalakay
- Pagsasapribado ng Napocor, hindi solusyon
- 20 nasawi sa Basilan encounter
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/27/napocor-barge-sinabotahe-sa-basilan/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment