Tuesday, February 26, 2013

Transition Commission, itinalaga ni PNoy

Ni Evelyn Quiroz


Hinirang na ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang 15-man Transition Commission (TransCom) na babalangkas sa Bangsa Moro Basic Law.


Sa bisa ng Executive Order No. 120, pitong miyembro mula sa panig ng gobyerno at walo sa panig ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang bubuo sa nabanggit na komisyon.



Ang pitong mula sa government panel ay sina Akamd Sakkam, Johaira Wahab, Talib Benito, Asani Tammang,

Pedrito Eisma, Froilyn Mendoza at Fatmawati Salapuddin.


Ang walong mula sa MILF panel ay si Mahagher Iqbal, na magsisilbing chairman, kasama sina Robert Alonto, Abdulla Camlian, Ibrahim Ali, Raissa Jajurie, Melanio Ulama, Hussein Munoz at Said Sheik.


Ang mga nahirang sa government panel ay sumailalim sa masusing screening at evaluation ng TransCom selection body, na binubuo nina Justice Secretary Leila de Lima, Presidential Adviser on Peace Process Teresita Quintos-Deles at National Commission on Muslim Secretary Mehol Sadain.


Ang TransCom ang babalangkas sa Bangsa Moro Basic Law na isusumite sa Kongreso at magiging batayan sa pagpapasa ng batas sa pagbuo ng Bangsa Moro Autonomous Political Entity, na papalit sa Autonomous Region In Muslim Mindanao (ARMM).


Inaasahang ang pagtatatag ng Bangsa Moro ang magsisilbing daan upang matamo ang inaasam na kapayapaan sa Mindanao, tungo sa mas maunlad na rehiyon.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/27/transition-commission-itinalaga-ni-pnoy/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment