Posibleng alisin ang ilang sports na nais mapabilang sa gaganaping 2013 Philippine Olympic Committee Philippine Sports Commission (POCPSC) National Games bunga ng limitadong badyet.
Sinabi ni PSC Chairman Richie Garcia na kabuuang P20 milyon lamang ang nakalaan para sa torneo na kinukunsiderang National Open ng sports association sa bansa na isasagawa sa iba’t ibang lugar sa Maynila.
“We now have the cost of pressing requirement for budgeting this year for AYG, Asian Indoor and Martial Arts Games and Myanmar SEA Games plus the coming Asian Centennial Celebration. We want to make sure that the PSC will not be short of funds,“ sinabi ni Garcia.
Umabot sa kabuuang 52 sports ang nasa listahan sa ikatlong edisyon ng PNG. Unang isinagawa ang PNG sa Bacolod City, Negros Occidental noong 2011 at ikalawa nitong 2012 sa Dumaguete City, Negros Oriental.
“We don’t want to waste funds sa isports na hindi naman masyadong importante or there is no immediate need to be held. PNG is a good program but we need not too spend too much,“ giit pa ni Garcia.
May P178 milyong pondo ang PSC ngayong taon na mula sa General Appropriations Act, dagdag ang kinita mula sa porsiyento sa horseracing ng Philippine Racing Commission (Philracom) at maging P40 hanggang 45 milyon kada buwan sa porsiyento sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Huling gumasta ang PSC ng kabuuang P28 milyon sa PNG noong nakaraang taon na isinagawa sa dalawang lugar sa Dumaguete na naghost ng 24 sports at kabuuang 3,344 mga atleta at Laguna na tampok ang 15 sports na sinalihan ng 1,109 atleta.
Ilan lamang sa mga bagong sports na masasaksihan sa ikatlong edisyon ng POC-PSC National Games ay ang golf, ice skating, futsal, under water hockey, diving, windsurfing, motocross, bowling at indoor hockey.
Hahataw din sa unang pagkakataon ang basketball kung saan ay itinakda ang regular na 12 manlalaro sa men’s at women’s habang iimplementahan na rin ang magiging Olympic sports sa 2016 na men’s at women’s 3-on-3.
Gaganapin ang halos lahat ng isport sa Rizal Memorial Sports Complex habang ang iba ay gaganapin sa mga kalapit na lugar at ilang mall sa Maynila.
Matatandaan na una nang itinakda ang 3rd POC-PSC National Games sa Lingayen, Pangasinan subalit umayaw ang mga opisyal ng probinsiya dahil sa nagaganap na problema sanhi ng politika. – Angie Oredo
Related Posts:
- 49 sports, hahataw na sa 2013 POC-PSC National Games
- Pilipinas, lalahok sa 1st Asian Indoor and Martial Arts…
- Focus sports, pagtutuunan ni Garcia
- Pangasinan, umatras na sa PNG
- Pangasinan PNG, magiging sukatan para sa 2013 Myanmar SEA…
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/27/p20m-budget-sa-2013-png/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment