Thursday, February 21, 2013

UN report: Man-made chemicals, sanhi ng pagdami ng sakit

GENEVA (Reuters) – Ang man-made chemicals o mga kemikal na gawa ng tao na ginagamit sa pangaraw-araw na produkto ang maaaring pinagmumulan ng pandaigdigang pagtaas ng birth deformities, hormonal cancers at psychiatric diseases, iniulat ng isang UN-sponsored research team noong Martes.



Ang substances na ito, tinatawag na EDCs, ay maiuugnay din sa pagbaba ng human male sperm count at female fertility, hanggang sa pagtaas ng bihirang childhood cancers at paglalaho ng ilang uri ng hayop, anila.


“It is clear that some of these chemical pollutants can affect the endocrinal (hormonal) system and ….may also interfere with the development processes of humans and wildlife species,” deklara ng ulat.


Inilabas ng international group, mga academic expert na nagtatrabaho sa ilalim ng United Nations environmental and health agencies na UNEP at WHO, ang kanilang tuklas sa isang dokumento na sumususog sa 2002 study sa potensiyal na panganib ng syntheric chemicals.


Idineklarang “a global threat that needs to be resolved,” sinabi ng team na ang mga tao at hayop sa mundo ay nalalantad sa daandaan ng ganitong compounds na kadalasan ay hindi gaanong napag-aaralan o nauunawan.


“We live in a world in which man-made chemicals have become part of everyday life,” saad sa kanilang 28 pahinang ulat na pinamagatang “State of the Science of Endocrine Disrupting Chemicals, 2012,” inilabas bilang policy guide para sa mga gobyerno.


Ang EDCs ay kinabibilangan ng phtalates na matagal nang ginagamit sa paggawa ng plastic soft at flexible.


Halimbawa ang mga produktong gawa rito ang mga laruan, children’s dummies, perfumes at pharmaceuticals, gayun din ang cosmetics gaya ng deodorants na na-a-absorb ng katawan.


Ang isa pa ay ang Bisphenol A, o BPA, na ginagamit na pampatigas sa plastics at matatagpuan sa food at beverage containers, kabilang ang ibang babies’ bottles at coating ng mga lata ng pagkain.


Ilang bansa na – kabilang ang United States, Canada at ilang kasapi ng European Union – ang nagbabawal sa paggamit ng ilan sa mga produktong ito, lalo na ang mga kagamitan para sa mga bata.


Ngunit ayon sa ulat, “many hundreds of thousands” ang gumagamit nito sa buong mundo at maliit na bahagi lamang nito ang nasusuri kung magdudulot ba ito ng sakit sa pagsira sa endocrinal, o hormonal, systems ng tao at hayop.


Naniniwala ang mga eskperto sa kabuuan, na ang mga kemikal na ito ay maaaring maihalo sa inumin at pagkain mula sa containers.


Ayon sa grupo, binuo ang 17-year-old chemical management body na tinatawag na IOMC na nakikipagtulungan sa maraming ahensiya ng UN, na ang pangunahing problema ay ang manufacturers ng consumer products na hindi tinutukoy ang karamihan ng kanilang chemical components.


Sinabi ng mananaliksik na ang kanilang ulat ay nakabatay sa mga pag-aaral sa developed world. Ngunit hindi pa nasusukat ang laki ng problema sa developing dahil sa kakulangan ng data mula sa Africa, Asia at Latin America.







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment