Thursday, February 21, 2013

P 94.2-B nakolekta ng SSS

Aabot na sa P94.2 billion ang nakolekta ng Social Security System (SSS) mula sa kontribusyon ng mga miyembro nito noong nakaraang taon.


Ito ang ipinagmalaki ni SSS President-Chief Executive Officer Emilio De Quiros Jr., sinabing tumaas ng siyam na porsiyento ang nakolekta noong 2012, mula sa P85.9 billion koleksiyon noong 2011.



Sa nasabing kabuuang koleksyon, aabot sa P854.82 million ang nagmula sa kontribusyon ng mga miyembro ng SSS sa Western Mindanao.


Nasa 7.5 porsiyento ang itinaas nito mula sa P794.96 million noong 2011.


“Total SSS benefit disbursements in 2012, on the other hand, reached P84.4 billion, up by two percent from the P82.7 billion we paid out in 2011. Surprisingly, in Western Mindanao, benefit disbursements showed a 5.5-percent decrease in 2012, at P1.25 billion, down from P1.33 billion in 2011,” sabi ni De Quiros.


Sa kabuuan, aniya, nagpamalas ang SSS ng positibong financial performance noong 2012, at ito ay labis pa sa pagitan ng contribution collection at benefits payments, na pumalo sa P9.8 billion. – Rommel Tabbad







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment