Tuesday, February 26, 2013

Vilmanians vs Noranians, nagkakainitan na naman; kanegahan ni Guy, kumakalat

Ni Jimi Escala


NGBIBINTANG ang supporters ni Nora Aunor na kesyo fans daw ni Gov. Vilma Santos ang nagkakalat ng mga isyu tungkol sa superstar.


Nora Aunor Siyempre, ganoon na lang kainit ang reaksiyon ng Vilmanians!



Lumabas pa sa kolum ni Ate Linda (Rapadas) sa isang diyaryo ang bintang ng Noranians. Sunud-sunod na mensahe sa text ang isinagot ni Katotong Melchor Bautista na ipinadala rin niya sa amin:


“Good morning, Ate Linda, hindi totoo na kampo ni Ate Vi ang nagpasimula ng pagbatikos kay Ate Guy. Wala pa rito si Ate Guy may Noranians na talagang regular na umaatake kay Ate Vi. Namonitor ko `yun, rumeresbak na lang ngayon ang Vilmanians. May mga babanggitin akong mga pangalan ng Noranians ‘pag nagkita tayo, sila ‘yung mga aktibo tirahin si Ate Vi no’ng wala pa rito si Ate Guy.


“Ang daming tira ng Noranians, namonitor ko, at sinasabi ko kay Jimi Escala pero ‘di kami gumanti. Kahit ako may alam na kasiraan ni Ate Guy, galing mismo sa kampo ni Ate Guy, ‘di ko rin sinusulat kasi Vilmanian ako. At alam kong si Ate Vi ang mapapasama,” mensahe ni Katotong Melchor.


Sa totoo lang naman, talagang may mga kanegahang nangyayari sa career ni Ate Guy na mismong mga nasa kampo niya ang nagkakalat. Kanino ba namin nalaman na kesyo umalis na raw sa kampo ni Nora sina Albert Sunga at si Boy Palma? Alam ni Ate Linda kung sino ang nagparating sa amin, huh!


Mensahe pa ni Melchor sa amin, kahit Vilmanian siya ay hindi niya tinira sa mga panulat niya si Nora Aunor dahil wala namang ng atraso sa kanya ang aktres.


“Pero may ib ang writer na Noranian, ang bilis gumawa ng tira kay Ate Vi. Mas malala ang alam ko kay Ate Vi. Mas malala ang alam ko na ginagawa ng Noranians. Noon pa ganyan talaga, gantihan lang `yan,“ banggit pa ni Melchor Bautista.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/27/vilmanians-vs-noranians-nagkakainitan-na-naman-kanegahan-ni-guy-kumakalat/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment