Thursday, February 21, 2013

Zhong, umiiwas kay Denver Cuello?

Tinawanan lamang ni mandatory at No. 1 contender Denver Cuello ng Pilipinas ang pahayag ni WBC strawweight champion Xiong Zhao Zhong ng China na wala itong kinatatakutang boksingero.


Si Cuello ang dapat na hahamon kay Zhong na nagkampeon kahit hindi nakalista sa minimumweight division nang talunin sa puntos si Mexican Javier Martinez sa sagupaang ginanap sa Kunming, China noong nakaraang taon.



Ngunit sa halip harapin si Cuello, pinagbigyan ng WBC Board of Governors si Zhong na boluntaryong magdepensa laban kay Carlos Ortega ng panama sa Abril 13 sa Las Vegas, Nevada kung saan magiging undercard ang pagkasa ng Pinoy boxer.


“Hindi daw sila takot sa akin. Kung totoong hindi sila takot sa akin bakit puro sila iwas? Dapat ako na ang susunod nilang kalaban, e bakit nakiusap sila sa WBC na magchoice muna sila?“ sinabi ni Cuello sa Philboxing.com. “Malinaw na ang usapan na dati na matapos nila lumaban versus Martinez ako na ang susunod na makalaban.“


“Bakit ngayon iiwas na naman sila? Tapos sasabihin nila na hindi sila takot sa akin? Mga sinungaling sila. Patunayan nila na tunay silang champion, labanan na nila ako ngayon kung totoo na hindi sila takot sa akin…Pati yung manager niya (Liu Gang) sinungaling din. Isa iyon na takot sa akin. Dahil alam niya na kapag nilabanan nila ako, tapos ang career ng alaga niya,“ giit ni Cuello.







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment