Umabot sa P3 milyong piso ang halaga ng mga ari-arian ang naabo sa sunog na tumupok sa may 50 bahay sa isang residential area sa Quezon City pasado 12:00 ng hatinggabi kahapon, iniulat ng pulisya. Halos tatlong oras tumagal ang sunog sa lugar na umabot sa Task Force Bravo bago ito tuluyang naapula.
Ayon kay QC Fire Marshall Sr. Fire Supt. Bobby Baruelo, nagsimula ang apoy sa bahay ng magkapatid Jamie at Janet Laos sa 47-B Scout Borromeo , Bgy. South Triangle, Quezon City. Mabilis namang kumalat ang apoy sa mga katabing bahay nito, na gawa sa mga light material. Ayon sa Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), inaalam pa nila kung posibleng electrical overload ang naging dahilan ng pagsiklab ng apoy.
Wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa insidente. – Jun Fabon
Related Posts:
- Bahay ni La Guardia, nasunog
- ‘Home along da riles,’ naabo
- Sunog sa Taguig City, sinadya?
- Apat nasawi sa QC fire
- 12 sunog sa Metro Manila
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment