Thursday, February 21, 2013

Anne, ayaw mapagselosan ni Mariel


Ni Reggee Bonoan


INAMIN na pala ni Anne Curtis sa isang panayam na ayaw niyang magkaroon ng kissing at love scene kay Robin love scene kay Ro Padilla sa teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw para hindi na magselos uli ang asawa ng aktor na si Mariel Rodriguez.



Matatandaang nag-alsa-balutan si Mariel nang mapanood ang honeymoon scene nina Robin at Kris Aquino bilang bagong kasal sa KKI, at inaming nagselos na hindi naman daw maiaalis sa kanya dahil asawa siya at babae siya.


Agad naman siyang pinayuhan ni Kris na umuwi na dahil isang beses lang ang eksenang iyon at dying na siya sa mga susunod na episodes dahil sa sakit na cancer ng kanyang character as Roxanne.


Bukod dito, sinuyo ni Binoe ang asawa at pinuntahan sa programang Wowowillie kaya agad naman silang nagkabati.


Base sa tinatakbo ng istorya ng Kailangan Ko’y Ikaw ay magkakabalikan sina Bogs (Robin) at Ruth (Anne) kaya siyempre pang may sweet moments sila at may love scene rin.


Pero nagpasabi na raw si Anne na ayaw niya itong gawin dahil ayaw niyang ma-upset na naman si Mariel, at naiintindihan niya ang nararamdaman nito bilang babae at asawa ni Robin.


Kaya pala may sitsit na binabago ngayon ang script dahil sa pagtangging ito ni Anne.


Bilib din naman kami kina Kris at Anne at sa scriptwriters ng Kailangan Ko’y Ikaw dahil kahit hindi na taga-ABS-CBN si Mariel ay isinaalang-alang pa rin nila ang nararamdaman nito. `Di ba, Bossing DMB, kung tutuusin ay puwedeng dedmahin na lang si Mariel dahil trabaho naman ang ginagawa nila.


Masuwerte si Robin na very professional ang dalawang leading lady niya.







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment