Thursday, February 21, 2013

2 nasawi sa ‘Crising’ – NDRRMC

Iniulat kahapon ng National Disaster Risk Reduction and management Council (NDRRMC) na dalawa na ang naitalang patay sa pananalasa ng bagyong “Crising” sa Mindanao. Ayon sa report NDRRMC, pawang taga-Compostela Valley ang mga nasawi na kinilalang sina Francisco Digaynon at Erwin Campana.



Kapwa umano tumatawid sa ilog ang dalawang biktima ng tangayin ng malakas na agos.


Iniulat pa na may dalawang nawawala na kinilala namang sina Percela Apolinario ng Aklan at Suden Abdullah ng Sarangani. May apat pa ang nasugatan sa pananalasa ni Crising, habang umaabot na sa mahigit 25,000 pamilya o 120,000 indibidwal ang naaapektuhan mula sa 80 barangay sa Region IX, X, XI at XII. Sa huling ulat bagamat papalayo na ang bagyong CrIsing may 864 pamilya ang nananatili pa rin sa mga evacuation center dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan. – Fer Taboy







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment