Thursday, February 21, 2013

K+12 education program, niratipikahan na

Ni Bert de Guzman


Niratipikahan ng Mababang Kapulungan ang bicameral conference committee report tungkol sa panukalang K+12 education program.


Kikilalanin bilang Enhanced Basic Education Act, itinatakda ng panukala na ang mga batang magaaral ay sumailalim sa isang-taong kindergarten education at 12 taon ng basic education.



Sinabi ni Rep. Rosenda Ocampo (6th District, Manila), chairman ng House Committee on Basic Education

and Culture, na ang 12 taong basic education ay kabibilangan ng anim na taon sa elementarya, apat na taon sa junior high school at dalawang taon sa senior high school.


Ang unang batch o grupo ng mga mag-aaral na makakukumpleto ng K+12 program ay magtatapos sa Marso 2018, ayon kay Ocampo.


Regional language o katutubong dayalekto ang gagamiting lengguwahe ng mag-aaral (o medium of instructions) sa kindergarten at unang tatlong taon ng elementary education, instruction, teaching materials at assessment para mabilis silang matuto.


Batay sa panukala, ang Department of Education (DepEd) ang magsasagawa ng mother language transition program mula sa Grade 4 hanggang Grade 6 upang ang Filipino at English ay unti-unting maipakilala bilang mga lengguwahe ng pagtuturo hanggang sa dumating ang panahon na ang dalawang lengguwahe ay magiging pangunahing lengguwahe sa pagtuturo sa secondary level o high school.


Ang iba pang may-akda ng panukala ay sina Reps. Mariano Piamonte (Party-list, A Teacher), Mel Senen Sarmiento (1st District, Western Samar), Magtanggol Gunigundo I (2nd District, Valenzuela City), at Fatima Aliah Dimaporo (2nd District, Lanao Del Norte).







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment