Aabot sa labinlimang lokal na kabayo ang lalahok sa magkahiwalay na karera ng 2013 Philracom Leopoldo “Leo” Prieto sa Metro Manila Turf Club (MMTC) sa Malvar, Batangas sa darating na Linggo.
Pitong mananakbong 3-YearOld Fillies ang maghaharap sa 2013 Philracom Leopoldo Prieto 2 na pangungunahan ng Cat’s Silver, Five Star, Humble Submission, Ifyourhonorplease, Pyjama Strikes, Sparkling Rule at Top Story kung saan ay tatawid ang mga ito sa distansiyang 1,600 meters.
Sa mga kalahok, inaasahang papaboran ng mga miron ang alaga ni Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na Cat’s Silver habang mahigpit na makakatunggali nito ang Five Star, Humble Submission at Sparkling Rule.
Walong mananakbo naman mula sa hanay ng 3-Year-Old Colts ang maghaharap para rin sa 1,600 meters distance.
Ang mga kalahok ay kinabibilangan ng Borj Kahlifa, Captain Ball, Crusader, Don Albertini, El Libertador, Naga, Right Direction at Señor Vito.
Inaasahan na magiging mahigpit ang laban ng mga kalahok na pawang kandidato para sa darating na Horseman Cup at Triple Crown sa mga susunod na buwan.
Tumataginting na P300,000 ang tatanggaping premyo ng mananalo sa naturang pakarera ng Philracom habang P112,500 ang pangalawa, P62,500 sa ikatlo at P25,000 sa ikaapat.
Pagkakalooban din ng P15,000 ang horse breeder sa mananalong kalahok.
Related Posts:
- 3-year-old Fillies at Colts, maghaharap sa Prieto Cup
- Yabut Cup, hahataw sa SLLP
- Yabut Cup sa SLLP ngayon
- Philracom races, hitik sa aksiyon
- Prieto at Freedom Cup, hahataw
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment