Thursday, February 21, 2013

PNoy, walang interes sa Sabah

Magmula nang ilunsad ng Sultanate of Sulu ang pagbabawi sa pinaupahang isla sa Malaysia, ang Borneo na ngayon ay Sabah, ay hindi ito nakatanggap ng suporta kay Pangulong Benigno S. Aquino III.


Sinabi noong Miyerkules ni Princess Jacel Kiram, anak ng kasalukuyang Sultan ng Sulu na si Jamalul Kiram III, na parang walang interes sa isyu ng Sabah ang pambansang gobyerno.



Gayunman umaasa pa rin ang sultanato na tutugunan ng Pangulo ang kanilang hinaing at hindi pababayaan ang kanilang ipinaglalabang karapatan sa Sabah dahi sila ay mamamayan ng Pilipinas.


Nanawagan ang prinsesa sa pamahalaan at mamamayan ng Pilipinas na suportahan silang mabawi sa Malaysia ang pinaupahan nilang isla ng Sabah.


Ayon kay Princess Jacel, 1878 pa ang kasunduan ng Sultanate of Sulu at pamahalaan ng Malaysia sa pag­upa sa isla ng Borneo sa halagang 5,300 Malaysian ringgit kada taon. Ito ay katumbas ng mahigit P69,000 at ito pa rin ang halagang binabayaran ng gobyernong Malaysian sa Pilipinas sa kasalukuyan.


“Dati nang inapela ng mga matandang Sultan Kiram ang problema sa United Nations, sa mga naging Pangulo ng Pilipinas subalit wala nangyari kung saan at nauwi lamang sa mapayapang demokratikong kasunduan ang lahat,” giit ng prinsesa ng Sulu at North Cotabato.


Itinanggi ng Sultanate of Sulu na pananabotahe sa peace talks ng gobyerno ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pananatili ng kanyang

mga tagasunod sa bayan ng Lahad Datu sa Sabah. Ang kaisipang ito anila ay bunga ng panunulsol ng malapit sa Pangulo.


Lumiham na si Malaysian Prime Minister Najib Tun Razak kay Sultan Jamalul Kiram III upang mapayapang pag–usapan ang probema. – Jun Fabon







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment