Friday, February 22, 2013

Abalos, kinilala ng Philracom bilang horse breeder at horse owner

Kinilala ng Philippine Racing Commission (Philracom) si Mandaluyong Mayor Benjamin ”Benhur” Abalos bilang isang matagumpay na horse breeder at horse owner sa industriya ng karera sa bansa.


Ipagkakaloob ng Philracom ang board recognition kay Abalos bilang pagkilala sa malaking naiambag nito at pagkakaroon ng alagang kampeon na gaya ng Hagdang Bato.



Igagawad ng komisyon ang parangal kay Mayor Abalos bukas sa karerahan ng Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas.


Bukod tanging si Mayor Abalos na mula sa mga horses breeder ang nakapagpalahi ng kampeon na gaya ng Hagdang Bato na sumira sa record ng lahat nang naging kampeon sa malalaking pakarera.


Sa nakalipas na mahigit na isang dekada, naimarka ng alaga ni Abalos ang 12 panalo sa mga malalaking karera na kinabibilangan ng pagsungkit triple championship sa Triple Crown, Presidential Gold Cup, Juvenile Championship, Grand Derby at ang pinakahuli ay ang Freedom Cup.


Naitala rin ni Abalos ang winning stakes mula sa iba pang palahi nito na ngayon ay nakatakdang ilaban sa nalalapit na 2013 Triple Crown na Cat’s Silver, Never Cease at El Libertador na pawang Sweepstakes winner ng PCSO.


Hinangaan din si Abalos ng Philracom sa pagmamahal nito sa industriya lalo na sa kampanya laban sa illegal bookies na siyang kumakain ng malaking benta sa industriya.







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment