Friday, February 22, 2013

Ilang bahagi ng EDSA, isasara

Isasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista ang ilang pangunahing kalsada, kabilang ang ilang bahagi ng EDSA, sa Linggo at Lunes kaugnay ng selebrasyon ng ika-27 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.



Ayon sa pahayag ng MMDA, magkakaroon ng “Run for Juan” bukas (Pebrero 24) bilang bahagi sa pagdiriwang ng okasyon.


Isasara ang White Plains Drive mula 2:00 ng umaga hanggang 8:00 ng umaga, habang simula 5:00 ng umaga ay hindi madadaanan ang EDSA northbound bus lanes at ikatlong lane mula sa Julia Vargas hanggang sa Guadix Road at EDSA Ortigas Flyover northbound.


Ang flyover na pakaliwa patungong Ortigas Greenhills ay mananatiling bukas, gayundin ang EDSA northbound service road mula sa Guadix Road hanggang EDSA Shrine.


May full closure naman mula sa Ortigas Ave hanggang Santolan (northbound). Pinapayuhan ng MMDA ang mga sasakyang pahilaga na kumanan sa Julia Vargas patungo sa pupuntahan o kumaliwa sa EDSA flyover patungong Ortigas Greenhills.


Ang mga isinarang bahagi ng EDSA ay muling bubuksan simula 7:00 ng umaga sa Linggo.


Dapat ding iwasan ng publiko ang paligid ng People Power Monument/White Plains, na magiging abala sa mga preparasyon para sa paggunita sa anibersaryo sa Lunes.


Isasara ng MMDA ang EDSA, sa bahagi ng Corinthian Gardens hanggang sa Gate 3 ng Camp Aguinaldo sa hatinggabi ng Linggo, para sa flag raising at Salubungan sa Lunes.


Sa Lunes, isasara ang buong EDSA northbound mula sa Ortigas flyover hanggang Santolan at northbound service road mula Guadix Drive hanggang EDSA Shrine, dakong 5:00 ng umaga. Muli itong bubuksan ng 11:00 ng umaga. – Anna Liza Villas-Alavaren/Manila Bulletin







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment