Sa pagtakas ng pinaghihinalaang drug lord na si Jackson Dy, ang lahat ng pulis na umaresto sa kanya noong 2003 ay maitituring na “dead men walking.”
Sinabi ni Chief Insp. Roque Merdigia, pinuno ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AID-SOTF)—Legal and Investigation Division, na hindi malayo ang posibilidad na bubuweltahan ni Dy ang mga arresting officer nito.
“He leads a big group of illegal drugs syndicate. He has the money, he has the men, he has means,” ani Merdegia.
“Now that he is out, the AIDSOTF operatives who arrested him are already dead men walking,” dagdag niya.
Dahil dito, inabisuhan na ng isang senior police official ang mga miyembro ng arresting team ni Dy na mag-ingat.
Bukod sa pagkakaaresto kay Dy, nabuking din ng mga pulis ang multi-milyong pisyong shabu laboratory na minimintina umano ng grupo ng pinaghihinalaang drug lord sa Trece Martirez, Cavite.
NAgpahayag naman ng paniniwala si Cavite Gov. Johnvic Remulla na magtatangkang pumuslit si Dy patungong Taiwan matapos ito mamataan sa Manila Bay.
Si Dy ay nakatakas sa apat nitong escort na pulis habang patungo sa court hearing sa Trece Martirez City noong Miyerkules ng umaga. – Aaron Recuenco/ Manila Bulletin
Related Posts:
- P398 milyong illegal drugs, sinunog
- PNP-AIDSOTF, aminado sa patuloy ang pagtaas ng drug cases
- 129 pulis-Cavite, na-promote
- Teenager na drug pusher, natimbog
- Drug test sa Valenzuela Police
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment