Thursday, February 21, 2013

Ex-President Erap, personal na ikakampanya si Grace Poe-Llamazares

Ni Chel Quitayen


“Susuportahan ko siya in my personal capacity. “


Ito ang tiniyak ni dating Pangulong Joseph Estrada kay Grace Poe-Llamanzares kasunod ng desisyon ng United Nationalist Alliance (UNA) noong Huwebes na tanggalin si Poe sa senatorial lineup ng partido para sa May 2013 elections.



Sa panayam ng GMA News, tiniyak ni Erap na kahit anong mangyari ay hindi niya pababayaan ang anak ng yumaong best friend na si Fernando Poe Jr.


“Huwag siyang mag-aalala. Si FPJ parang kapatid ko. Tinulungan din ako nung kumandidato ako.

Hindi siya maiiwan. Susuportahan ko siya in my personal capacity, “ sagot ni Erap sa tanong kung ano ang mangyayari sa inaanak na si Grace Poe ngayong nilaglag ito ng koalisyon.


Sinabi ni UNA campaign manager Toby Tiangco sa isang pahayag noong Huwebes, na nagpasya ang koalisyon na tanggalin bilang guest candidates sina Sen. Francisco `Chiz’ Escudero, Loren Legarda at Poe-Llamanzares at siyam na senatorial candidate na lamang ang kanilang ikakampanya: sina Jack Enrile, Joseph Victor Ejercito, Tingting Cojuangco, Mitos Magsaysay, Nancy Binay, Ernesto Maceda, Juan Miguel Zubiri, Richard Gordon and Gregorio Honasan.


Sa panayam ng ANC, Iginiit ni Tiangco na sinikap nilang i-accommodate ang tatlo ngunit tila nanaig aniya ang babala ng Liberal Party (LP), sa pamamagitan ni Sen. Franklin Drilon, laban sa pagsama sa mga aktibidad ng UNA.


“Mukhang ayaw na nila so we have to go on our separate ways,“ wika ni Tiangco.


Incoming search terms:








Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment