Thursday, February 21, 2013

‘May Isang Pangarap,’ afternoon hit

DE-KALIBRENG cast at istoryang pangprimetime ng May Isang Pangarap ang kinasasabikan ng afternoon viewers ang tumututok sa kuwento ng dalawang bagong Kapamilya child wonder na sina Larah Claire Sabroso at Julia Klarisse Base at sa umiinit sa harapan ng mga karakter nina Carmina Villarroel at Vina Morales.



Carmina Villaroel and Vina Morales Sa pinakahuling datos ng Kantar Media noong Martes (Pebrero 19), nagkamit ng 13% national TV ratings ang May Isang Pangarap, laban sa 11.8% ng katapat nitong programa na Yesterday’s Bride.


Ngayong nalinis na ang image ni Julia bilang isang “Super Singing Star Kid“ finalist matapos na ma-upload ang `scripted’ na paghingi nito ng tawad kay Larah, tuluy-tuloy na kaya ang kanyang pagtatagumpay? Para sa kanyang kinikilalang anak, ipagpapatuloy ba ni Kare (Vina) ang pakikipagmabutihan sa may asawang album producer na si Eric (Ron Morales)? Ano ang magiging reaksyon ni Nessa (Carmina) kung matuklasan niyang may kinalaman si Kare sa paggamit kay Larah upang pagandahin ang imahe ni Julia sa publiko?


Huwag palampasin ang mas gumagandang kuwento ng May Isang Pangarap, tuwing hapon, 2:45 PM, pagkatapos ng It’s Showtime sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment