Thursday, February 21, 2013

ANG MATAAS NA NET SATISFACTION RATING NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Anim sa sampung Pilipino ang kuntento sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP), ulat ng isang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Enero 31, 2013. Nang magsimula ang Administrasyong Aquino noong Hunyo 30, 2010, napag-alaman na ang 148,000 miyembrong PNP ay tinatamasa ang tumataas na trust rating at kumpiyansa noong 2011.



Isinagawa ang SWS survey noong Disyembre 8-11, 2012 sa may 1,200 respondent sa buong bansa ­ tig-300 ang Metro Manila, sa Luzon, Visayas, at Mindanao.


Ayon sa PNP ang magandang resulta ng survey ang magpapaigting ng moral sa puwersa ng pulisya, isang inspirasyon para sa kanilang kawanihan na tuparin ang kanilang mandato ng paglilingkod at proteksiyon sa taumbayan.


Naglunsad ang bagong liderato ng PNP ng “Serbisyong Makatotohanan“ program na humihimok sa taumbayan na isumbong agad ang lahat ng kaso sa pulisya upang malapatan ng kaukulang aksiyon. Naniniwala ang PNP na sa pamamagitan lamang ng mahusay na reporting system makatutugon ito upang bigyang proteksiyon ang mga mamamayan. Bahagi ng estratehiya na ilapit ang PNP sa taumbayan.


Binabati natin ang Philippine National Police sa pangunguna ng kanilang Chief, Director General Alan LM Purisima at ni Deputy Director General Rommel DF Heredia, iba pang opisyal at kawanihan sa kanialng patuloy na pagsisikap na palaganapin ang kapayapaan at kaayusan, protektahan ang mga komunidad at ang buong Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment