Tuesday, February 26, 2013

Lasenggong mister, sinunog ang bahay

Kalabosos ang sinapit ng isang lasing na mister nang buhusan ng gas ang kanilang sofa makaraang makasagutan ang kanyang misis dahil sa pagiging lasenggo ng una sa Caloocan City, kahapon.


Kasong attempted arson ang kinakaharap na asunto ni Emon Salazar, 27, ng Statchenburge St., Barangay 67 ng nasabing lungsod.



Sa report ng Bureau of Fire Protection ng Caloocan City, bandang 3:30 ng madaling araw nang umuwi sa kanilang bahay ang lasing na si Salazar.


Sinalubong siya ng kanyang misis na si Myrna at tinalakan dahil lasing na naman ito hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.


Sa galit ng suspek, kumuha ito ng gas at ibinuhos sa kanilang sofa saka sinindihan.


Kaagad na nakahingi ng tulong sa kanyang mga pakit-bahay si Myrna na tumulong naman para maapula ang nagliliyab nilang sofa. – Orly L. Barcala





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/27/lasenggong-mister-sinunog-ang-bahay/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment