Friday, February 22, 2013

Yam, makikigulo sa ‘Banana Nite’

Ni Reggee Bonoan


SA presscon ng Banana Nite, nabanggit ni John Prats na may mga bagong mukhang idadagdag sa show tulad ng dalawang stand-up comedian mula sa Zirkoh Morato at sexy star na hindi pa raw nila alam kung sino dahil magpapa-audition pa.



Pero naamoy na namin kung sino ang sexy star na nakapag-taping na para sa first episode ng Banana Nite na mapapanood sa Lunes (Pebrero 25), si Yam Concepcion.


Si Yam Concepcion ang sobrang daring na nagbida sa pelikulang Rigodon ng Viva Films.


Nakita ng source namin na nag-taping si Yam sa Banana Nite kamakailan at balita namin ay pang-pilot episode siya. Hindi pa alam ng informant namin kung masusundan pa ang episode niya.


“Maraming igi-guest na sexy at titingnan ang feedback kung sino ang okay at nagustuhan ng viewers, at kung pasado posibleng maging regular na,” paliwanag ng source namin sa production.


Timing na naka-text namin ni Yam nu’ng isang gabi, kaya nabanggit namin na may nakakita sa kanya sa Banana Nite.


“Guest lang ako sa first episode, hindi ko pa sure kung regular ako do’n, he-he… hopefully,” reply niya sa amin.


Kinumusta na rin namin siya kung ano ang follow-up movie niya after Rigodon.


“Wala pa, teleserye muna ako, he-he-he,” sabi niya.


Hindi binanggit kung ano ang teleseryeng kabibilangan niya, pero sa ABS-CBN daw iyon. Kaya sinabihan namin siya ng, ‘Good, nasa ABS ka na, tiyak na magkakaroon ka ng show at sana mapansin din na mahusay kang magsalita at bagay kang TV host.’


Kaya, Bossing DMB, husgahan natin ulit si Yam kung bagay naman niyang maging komedyana pagkatapos niyang maging porno star, este, magpa-sexy sa Rigodon.


(Editor’s note: Pangangatawanan ko ang naging usapan natin habang nanonood tayo ng preview ng Rigodon, mas sumikat sana si Yam Concepcion kung pumasok siya sa showbiz as wholesome young star. Nasayang lang ang refreshing beauty niya sa Rigodon. Hindi na talaga uso ang bold stars. Tingnan mo, puro flop ang bold movies.)







Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment