Tuesday, February 26, 2013

Quisumbing, umapela sa MJCI, PRCI

“Sa ikauunlad ng industriya ng karera tayo’y magka-isa!”


Ito ang apela ni Dr. Norberto Quisumbing, ang pangulo ng Metro Manila Turf Club (MMTC), sa Manila Jockey Club Inc. (MJCI) at Philippine Racing Club Inc. (PRCI) upang umangat ang industriya ng karera sa bansa.



Sa ginawa nitong pakikipagpulong, umapela siya sa mga miyembro ng Horse Trainer Association Inc. (HTAI) na magtulungan upang maresolba ang mga problemang kinakaharap sa industriya.


Kasabay nito, hiniling din ni Quisumbing sa dalawang racing club sa lalawigan ng Cavite na magka-isa sila upang mapataas ang antas ng karera na makapagbibigay ng malaking kita sa mga horse owner at iba pang umaasa sa industriya ng karera.


Nagpa-abot ng pasasalamat si Quisumbing sa pamunuan ng MJCI, ang tagapamahala ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, sa suporta at tulong na ibinigay sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.


Naging matagumpay ang unang pakarerang ginanap sa Metro Turf sa pag-alagwa ng Mandaluyong Day Special races at 2013 Leopoldo Prieto races noong Linggo.


Napuno ang karerahan mula sa “Bayang Karerista” kasama ang kanilang mga pamilya bilang bahagi ng paggunita ng Mandaluyong City Day.


Ayon kay Quisumbing, malaki ang maibibigay na tulong sa pagtaas ng kita sa takilya kung magkakaisa ang tatlong karerahan na siyang magiging daan ng pagtaas ng premyo ng mga kabayong inilalahok sa pormal na karera.


Higit na makikinabang ang mga horse owner, trainer, hinete at sota sa premyong makukuha sa mananalong kabayo.


Sa pag-analisa ni Quisumbing, kung magkaka-isa ang tatlong karerahan ay aabot sa mahigit na 300 makina ang magagamit na magiging daan upang lumawak ang bentahan sa takilya.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/27/quisumbing-umapela-sa-mjci-prci/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment